Rosanna Roces, itinangging kabit siya ni Vicente Sy, pero inamin na nagdadala siya ng babae sa Bilibid

Rosanna-RocesItinanggi ng aktres na si Rosanna Roces ang mga alegasyon sa isinagawang pagdinig kahapon sa kamara na siya ay kabit ng isang high-profile inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na si Vicente Sy.

Sa post sa kaniyang Facebook account sinabi ni Osang na Jennifer Adriano ang pangalan sa tunay buhay, na imposible ang pahayag ni Nonile Arile na siya ay kabit ni Sy.

Pero pagbubunyag ni Osang, ang dahilan ng pagpunta niya sa Bilibid ay para maghatid ng babae kay Sy at P25,000 ang kinikita niya kada babaeng inihahatid niya.

“Paanong magiging mistress [ako] eh babae ang dinadala ko ke Enteng? Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko,” ayon sa FB post ni Osang.

Dgdag pa ng aktres, kung totoong kabit siya ni Sy, sana ay yumaman na siya at nabayaran na niya ang P2 milyon na talo niya sa kaso sa GMA7.

Sinabi ni Osang na hindi drugs ang dahilan ng pagpunta niya sa bilibid kundi para maghatid ng babae at tanging si Vicente Sy lamang ang nakakausap niya doon.

Nakilala niya umano si Jaybee Sebastian isang beses nang minsang kapanayamin siya nito para sa Btv o Bilibid TV.

“Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma. Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey….Taga deliver ng karne,” ani Roces.

Sa nasabing FB post din, sinabi ni Roces na nakapagconcert na siya noon sa Bilibid kasama si April Boy Regino at Selina Sevilla.

Pero ani Roces, nahinto ang pagbalik-balik niya sa Bilibid nang minsang nakapagdala siya ng babaeng maysakit.

Kahapon sa house inquiry, sinabi ni Arile na isang dating pulis at convicted sa kasong kidnapping at murder na si Roces ay karelasyon ni Sy.

Read more...