Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Julian na may international name na “Aere” sa 375 kilometers West ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers kada oras.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, light hanggang moderate rains at thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Quezon.
Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.