Pilipinas, dapat nang magpaka-‘independent’ mula sa US at makipagkaibigan sa ibang bansa

yasayItitigil na ng Pilipinas ang pagiging dependent sa Estados Unidos.

Ito ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng Amerikano sa buong mundo.

Ani Yasay, hindi na hahayaan ng Pilipinas na magsusunud-sunuran sa US o sa anumang bansa kabilang na ang China.

Paliwanag pa ng kalihim, ito ang dahilan kung bakit aayusin ni Pangulong Duterte ang foreign policy ng bansa patungo sa pagkakasarinlan upang mas matutukan ang interes ng bansa at nang maprotektahan ang ating teritoryo.

Dagdag pa ni Yasay, habang-buhay naman ang pasasalamat ng Pilipinas sa Amerika ngunit kailangan nang maging independent ng bansa upang makayanan nitong harapin ang mga banta ng seguridad sa loob man o labas ng teritoryo.

Samantala, ipinayo naman ni dating National Security Adviser Jose Almonte na kailangang panatilihin ng Pilipinas ang pakikipag-kaibigan nito sa mga kaalyadong bansa tulad ng Amerika.

Gayunman, hindi lang naman aniya ang ugnayan sa US ang panatilihing maganda, kundi dapat ay maaring maging kaibigan ng iba pang mga bansa ang Pilipinas kahit pa kalaban ito ng Amerika.

Paliwanag ni Almonte, hindi naman kasing lakas ng Pilipinas ang iba pang mga bansa kaya ito na ang magiging pinakamagandang polisiya na maaring ipatupad ng Duterte administration.

Read more...