Barker, patay sa pamamaril sa Parañaque

jong barkerPatay sa pamamaril ng riding in tandem ang isang barker sa may Quirino Avenue kanto ng Aragon St., Brgy. Baclaran, lungsod ng Parañaque.

Kinilala ang nasawi na si Amir Maruhombsar, na isang barker sa lugar.

Maliban sa pagiging barker ayon sa pulis, kilala din umanong drug runner at pusher si Maruhombsar at front lamang daw ang pagiging barker nito.

Nasawi ang biktima matapos magtamo ng tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon naman sa mga nakakilala kay Maruhombsar, mabait daw ito ngunit nadismaya umano silang malaman na mayroon din pala itong iligal na transaksyon bukod sa pagiging barker.

Read more...