Bagaman ito ang pangunahing layunin ng pangulo, nilinaw naman ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na hindi ito nangangahulugan na pinuputol na ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos.
Ayon kay Yasay, bagaman nais pagbutihin ng bansa ang pakikipagkaibigan nito sa China, hindi naman ito papasok sa anumang military alliance sa China dahil kailanman hindi naman ito ang naging intensyon ni Pangulong Duterte.
Aniya pa, laging sinasabi ni Duterte sa mga traditional partners ng bansa na nag-iisa lamang ang military ally ng Pilipinas at iyon ay ang US.
Gayunman, nababahala pa rin aniya ang pangulo na hindi nakakamit ng mga joint military exercises ng Pilipinas ang US ang target nitong resulta na mas palakasin ang self reliance ng bansa sa pagharap sa mga banta sa seguridad sa bansa.
Nais aniya nilang iparating sa Amerika na kung hindi nga nakakamit ang layunin ng mga military exercises na ito at kung magpapatuloy ito, posibleng ihinto na ito ni Duterte sa kaniyang administrasyon.
Sa October 17 ang tentative na schedule ng pagpunta ng pangulo sa China.