Matatandaang noong Lunes, inaresto si Fernandez sa Pampanga dahil sa umano’y pagbi-bitbit ng isang kilo ng marijuana.
Sa desisyon ni Judge Eda Era ng Regional Trial Court Branch 60, ibinasura niya ang umano’y pagkakasabat ng grinder na isang gamit para sa pag-proseso ng droga mula sa sasakyan ni Fernandez.
Napag-alaman ng INQUIRER na wala naman sa mga inilistang gamit sa inventory ng pulisya ang naturang grinder.
Samantala sa kaniyang arraignment kahapon, naghain naman ng not guilty plea si Fernandez sa paglabag sa Section 5 ng Dangerous Drugs Act of 2002 o ang pagbebenta at pagbi-byahe ng iligal na droga o mga kemikal na ginagamit panggawa nito.
Sakaling mahatulan, mahaharap si Fernandez sa habambuhay na pagkakakulong, at multa na aabot sa P10 milyon.
Bukod sa isa pang kasong may kaugnayan sa iligal na droga, may nakabinbin pang kaso ng simple resistance and disobedience laban kay Fernandez sa Municipal Trial Court sa ilalim ni Judge Irineo Pangilinan.