De Lima, may panibago na namang problema

Leila de Lima1Bukod sa pagkakadawit sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP), mayroon na namang panibagong problema si Sen. Leila de Lima.

Naghain kasi si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Francis Tolentino ng election protest sa Senate Electoral Tribunal (SET) laban kay De Lima na inaakusahan niya ng poll fraud.

Matatandaang natalo ni De Lima si Tolentino sa senatorial race nitong nagdaang May 9 elections, matapos siyang malagak sa ika-13 pwesto dahil sa nasa 1.3 milyong boto na pumagitan sa kanilang dalawa.

Una nang nagsagawa ng closed door preliminary conference ang SET tungkol sa kasong ito noong Martes.

Paliwanag ni Tolentino, naganap ang dayaan sa electronic transmission at posibleng nagkaroon ng double transmission.

Kataka-taka aniya kasi na ang margin of votes sa pagitan ng first place at 12th place ay nasa 800,000 na boto lamang, ngunit biglang lumobo ang margin pagdating sa 13th place.

Isinumite na aniya niya ang mga kaukulang dokumento at affidavits ng mga testigo.

Dahil na rin sa pagkakadawit ni De Lima sa illegal drug trade, iginiit ni Tolentino na hindi totoo ang nauna nang katwiran ng senadora na wala siyang pera para pondohan ang kaniyang kampanya noon.

Ani Tolentino, posibleng may ginamit na drug money si De Lima sa kaniyang kampanya sa pagka-senador at na may narco-money talagang nakapasok sa halalan.

Read more...