‘6’ lang sa scale of 1-10 ang score ni Pangulong Duterte sa sarili

duterte1Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang sarili ng score na ‘6’ sa scale of 1-10, base sa kaniyang naging performance sa loob ng unang 100 araw niya bilang pangulo ng bansa.

Sa kaniyang text message sa Inquirer, sinabi ng pangulo na para sa kaniya, isa itong “modest achievement” at hindi naman siya ambisyoso sa pagbibigay ng score sa kaniyang sarili.

Dagdag pa ng pangulo, inihahayag lang niya ang realidad at iba pang tagumpay ang kaniyang inaasahan.

“To me it is a modest achievement. I’m not ambitious in scoring myself. I only deal with reality. Success to me is something else,” ani pangulo.

Sa kabila naman ng kaniyang self-rating, kamakailan lumabas sa isang survey ng Social Weather Stations na tumaas ang kaniyang popularidad sa loob ng kaniyang unang tatlong buwan sa opisina.

Base sa survey ng SWS, 76 percent ng mga Pilipinong lumahok sa survey na ito noong September 24 hanggang 27 ay “satisfied” sa performance ng pangulo, habang 11 percent lang ang “dissatisfied” at 13 percent naman ang hindi makapagdesisyon.

Read more...