General manager ng MRT, nag-resign na

INQUIRER file photo
INQUIRER file photo

Nag-bitiw na sa kaniyang pwesto si Metro Rail Transit (MRT) General Manager Roman Buenafe, matapos ang mahigit isang taong pamumuno.

Sa kaniyang panunungkulan, si Buenafe ang sumalo ng mga problema sa MRT-2 tulad na lamang ng naging kontrobersya sa pagtataas ng pasahe, pati na rin sa halos araw-araw na aberyang nararanasan ng mga pasahero dito dahil sa madalas nitong pag-tirik.

Gayunman, sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), kinilala nila ang naging magandang kontribusyon ni Buenafe sa MRT-3.

Kabilang na anila rito ang matagumpay na pagpapatakbo ng 20 tren sa kasagsagan ng peak hours, pagpapairal ng 50 kilometers per hour na train speed at pagkakaroon nito ng average daily ridership na 450,000 na pasahero.

Tiyak rin anilang mapakikinabangan ng susunod kay Buenafe ang mga naipundar nito tulad ng social media accounts nito at website na nagbibigay ng updates sa publiko kaugnay sa MRT-3, pati na ang libreng WI-FI na ilulunsad sa hindi bababa sa 10 istasyon ng MRT.

Hindi pa naman malinaw hanggang sa ngayon kung ano ba ang dahilan kung bakit biglang bumaba sa pwesto si Buenafe.

Read more...