Base kasi sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na ang COMELEC ang may pinaka-improved na rating sa 2016 survey on enterprises in corruption ng SWS.
Sa survey, umakyat ang COMELEC ng 18 points para tumaas ang rating nito sa +12 ngayong 2016, mula sa dating -6 noong 2015.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ang pinakahuling survey ng SWS ay patunay sa paninindigan nila para sa public trust.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong February 2 hanggang May 6, 2016 at kabilang sa sinurvey ay 35 na institusyon sa bansa.
Maliban sa COMELEC, dalawang ahensya ng gobyerno ang nakatanggap ng improved rating ngayong taon – ang Departnment of Health, Armed Forces of the Philippines at Department of Agriculture.