Ex-bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan binigyan ng taning para humarap sa Kamara

Ronnie dayanBinigyan ng 24-oras ng House Committee on Justice ang dating driver at bodyguard ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan para ipresinta ang sarili sa Kamara

Sinabi ni House Majority Leader Rudy Fariñas na kailangang samantalahin na ni Dayan ang pagkakataon na ibinibigay ng komite.

Nauna dito ay nagdesisyon ang buong komite na ipaaresto na si Dayan dahil sa ginawa niyang pagbalewala sa subpoena na inilabas ng Kamara para siya’y pagpaliwanagin sa pagkakangkot ng kanyang pangalan sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Si Deputy Speaker Gwen Garcia ay naunang naghain ng mosyon para icontempt si Dayan at sapilitan siyang pinadadalo sa susunod na pagdinig sa Lunes.

Nauna dito ay isinangkot ang sinasabi ring dating lover ni De Lima sa pangongolekta ng pera sa mga nakakulong na drug personalities.

Sa pagdinig kanina ay kinumpirma ni Joenel Sanchez na dati ring tauhan ng senador na may relasyon sina De Lima at Dayan.

Read more...