Edgar Matobato nasa kustodiya pa rin ni Sen. Trillanes

Edgar Matobato2
Inquirer file photo

Handa si Sen. Sonny Trillanes IV na isuko si Edgar Matobato sakaling may warrant of arrest na ipalabas laban sa self-confessed hitman ng Davao Death Squad.

Sinabi ni Trillanes hindi na niya pahihirapan pa ang arresting team na may hawak ng warrant of arrest.

Aniya ang tanging gagawin lang ng mga aaresto kay Matobato ay makipag ugnayan sa kanya at siya na mismo ang magdadala sa kanila sa nasabing nagpakilalang DDS member.

Nabanggit din ng senador na ito naman ay para maiwasan ang anuman hindi kanais nais na insidente.

Sinabi pa ni Trillanes na pwede rin niyang isuko si Matobato kay PNP Chief Ronald dela Rosa sa Camp Crame.

Read more...