Meralco may tapyas presyo sa kuryente

meralco-121013
Inquirer file photo

Magpapatupad ng bawas sa singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Oktubre.

Sa abiso ng Meralco, mayroong P0.12 kilowatt per hour na bawas sa electricity rates dahil sa pagbaba ng generation at transmission charges.

Ayon sa Meralco, papatak sa P24 ang mababawas sa monthly bill ng kanilang customers na kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour kada buwan.

Lumalabas na ang overall rate ng Meralco ngayong October 2016 ay bumaba sa P0.08 per kilowatthour kumpara sa P8.42 per kilowatthour noong October 2015.

Ito na ang pangatlong beses na bumaba ang overall rates ng Meralco ngayong taon.

Read more...