Tatlo ang nasawi, nagsara ang main port, maraming industrial sites at pabrika sa South Korea dahil sa pananalasa doon ng Typhoon Chaba.
Tumama ang bagyo sa Jeju island na nagresulta sa malawakang power interruption.
Dalawampu’t anim na flights sa bakasyunang isla ang nakansela.
Ang pangunahing pantalan naman sa Busan ay dalawang araw ding isinara dahil sa malakas na hampas ng alon na dulot ng bagyo.
Hindi nakaligtas sa pagbaha ang dalawang factory ng Hyundai Motor sa Ulsan City dahilan para magsara din ito.
Sa datos ng Ministry of Public Safety and Security, tatlo na ang nasawi sa bagyo, pero ayon sa ulat ng mga mamamahayag, mayroong limang nasawi sa Busan at Ulsan.
Nasuspinde rin ang operasyon ng malalaking shipyards sa south coast kabilang na ang Daewoo Shipbuilding & Marine Engineering Co Ltd. sa Geoje City.
Sa Gimhae Airport, walumpung flights ang nakansela at nasuspinde rin ang biyahe ng KTX bullet tain.
Inaasahan naman na unti-unti nang hihina ang bagyong Chaba at magtutungo na sa Japan.
Galing sa Pilipinas ang nasabing bagyo na tinawag na bagyong Helen.