Ang tropical storm Julian ay huling namataan sa layong 60 kilometers South Southeast ng Basco Batanes.
Taglay na nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 120 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kilometers per hour sa direksyong pa-Kanluran.
Ayon sa PAGASA tatama sa kalupaan ng Batanes ang bagyo anomang oras.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes at Babuyan Group of Islands. Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagkakaroon ng storm surge sa baybaying dagat sa dalawang isla.
Habang signal number 1 sa Northern Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Ayon sa PAGASA, mamayang hapon ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Julian.