Presyo ng shabu, umaabot na sa 25k kada gramo-PDEA

 

Umaabot na umano sa P25,000 ang halaga ng bawat gramo ng shabu sa ilang lugar sa bansa dahil sa matinding kakapusan ng suplay nito bunga ng pinaigting na kampanya kontra droga ng Duterte administration.

Ito’y mula sa dating presyo nito na umaabot lamang sa P1,200 hanggang P11,000 per gram noong June, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agence (PDEA).

Sa panayam ng Inquirer kay PDEA Director General Isidro Lapeña, sinabi nitong nakalap nila ang impormasyon na matindi ang itinaas ng presyo ng shabu sa Soccsksargen o South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City.

Ang average price aniya ng shabu sa ngayon sa ilan pang bahagi ng bansa at nasa P13,000 kada gramo na.

Pinakamababa naman ang halaga ng naturang ipinagbabawal na gamot sa Zamboanga Peninsula na nasa P1,000 kada gramo.

Sa Metro Manila aniya, ang average price ng shabu sa ngayon ay lumobo na sa P2,400 hanggang P3,000 per gram.

Ito na aniya ang pinakamataas na presyo ng naturang droga simula noong 2002.

Ang matinding kampanya aniya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng biglaang pagtaas ng presyo nito dahil sa matinding kakapusan ng suplay sa ngayon.

Sa nakalipas lamang na tatlong buwan, umaabot na sa mahigit 572 kilo ng shabu ang nakumpiska at naalis sa merkado dahil sa matinding crackdown ng mga otoridad kontra droga.

Read more...