Negosyante at kaniyang aide, dinukot sa Cotabato City

 

Mula sa Google Maps

Blangko pa rin ang mga otoridad tungkol sa iba pang detalye ng nangyaring pagdukot sa isang negosyante at kaniyang aide sa Cotabato City noong Martes.

Nakilala ang mga biktima na sina Tee-Jae Macabalang na isang may-ari ng outdoor advertising at buy and sell business, at kaniyang assistant na si Wendell Factuan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, tumungo sina Macabalang at Factuan sa bayan para makipagkita sa mga bibili ng second-hand na motorsiklong kanilang ibinebenta.

Ngunit pagdating ng dalawa sa pagkikitaan nila ng mga kliyente ay bigla na lang silang dinukot ng mga suspek at kinaladkad pasakay sa isang nakaparadang van na walang mga plaka.

Tatlo rin sa mga suspek ang agad na umalis sakay ng isang Toyota Innova na nakaparada ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis sa Cotabato City ang insidente lalo’t hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pagdukot sa dalawang biktima.

Read more...