Alma Moreno, bumisita sa nakakulong na anak na si Mark Anthony Fernandez

 

Inquirer file photo

Makalipas ang ilang araw, nabisita na rin ng aktres na si Alma Moreno ang kanyang anak na si Mark Anthony Fernandez na nakakulong sa detention cell ng Angeles City Police Station 6 sa kasong droga.

Ilang oras ring namalagi at nakapiling ni Moreno si Mark Anthony na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts matapos mahulihan ng halos isang kilo ng Marijuana nitong nakaraang araw.

Gayunman, hindi na nagpaunlak ng panayam si Moreno sa mga miyembro ng media.

Noon pa sana tutungo sa Angeles City si Alma ngunit hindi ito agad na nakaluwas dahil sa biglaang pagtaas umano ng blood pressure nito makaraang mabalitaan ang sinapit ng anak.

Si Mark Anthony ay anak ni Moreno at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Read more...