Mga pulis na nagpa-picture pa kay Mark Anthony Fernandez, pinaiimbestigahan

 

Mula sa FB

Iniimbestigahan ngayon ng PNP kung may nilabag na panuntunan ang dalawang babaeng pulis na nagpapicture sa aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos itong arestuhin kamakalawa sa Angeles City, Pampanga dahil sa pagbibibit ng isang kilong marijuana.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, titingnan nila ngayon ang partikular na kasong nilabag ng dalawa lalo at suot ng mga ito ang kanilang uniporme ng magpakuha ng picture sa narestong aktor na si Fernandez.

Samantala, naipabatid na rin kay Chief PNP Ronald Bato dela Rosa ang pangyayari at hindi umano nito nagustuhan ang inasal ng dalawang policewomen.

Ayon kay Chief PNP Bato, baka iba kasi ang maging impression ng publiko at akalain na iba ang pagtrato ng pulis kapag artista ang naaresto.

Bagaman nilinaw ni CPNP Bato na naiintindihan niya ang naging kilos ng dalawa niyang babaeng pulis dahil malamang nakalimutan nila na sila ay pulis at na star struck sa aktor kung kaya nagpapakuha ng larawan.

Kasabay nito, umaapela naman si Carlos sa lahat ng pulis na hanggat maari iwasan ang ganitong kilos upang hindi mapulaan ang hanay ng pambansang pulisya.

Sa ngayon ipinatawag na ang dalawang babaeng pulis ng pamunuan ng PNP Region 3 upang maipaalam sa kanilang hindi maganda ang kanilang ginawa.

Read more...