25 patay sa pananalasa ng hurricane ‘Matthew’ sa Haiti; Bahamas at US tinutumbok

 

Umaabot na sa 25 ang patay sa pananalasa ng hurricane ‘Matthew’ sa bansang Haiti at Cuba.

Ang naturang bagyo, na itinuturing na pinakamalakas na hurricane na tumama sa Carribean sa loob ng isang dekada ay inaasahang tatama rin sa Bahamas at eastern coast ng Florida Byernes ng umaga, oras sa Amerika.

Ayon sa United Nations, ito na ang maituturing na pinakamalalang humanitarian crisis na tumama sa Haiti na hindi pa nakakarekober makaraang tamaan ng malakas na lingo noong 2010.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa tuluyang matukoy ng mga emergency teams ang lawak ng pinsala ng naturang bagyo sa Haiti dahil bagsak pa rin ang komunikasyon doon.

Sa southeastern coast na Florida, milyun-milyong residente ang pinalikas sa kanilang mga tahanan dahil sab anta ng malakas na hurricane.

Ang hurricane Matthew ay isang category 4 hurricane na nagtataglay ng nasa 193 kilometers per hour na lakas ng hangin.

Gayunman, nagbabala ang National Hurricane Center sa Miami, Florida na posible pa itong lumakas pang lalo sa mga susunod na araw.

Read more...