Signal number 2, nakataas sa Batanes at Babuyan islands dahil sa bagyong ‘Julian’

 

Napanatili ng bagyong ‘Julian’ ang lakas nito habang patuloy na lumalapit sa Batanes.

Ayon sa 11 PM update ng Pagasa, nakataas na ang Signal number 2 sa Batanes Group of Islands at Babuyan island group.

Signal number 1 naman ang nakataas sa Northern Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas na 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph.

Patuloy nitong tinatahak ang direksyong northwest at inaasahang lalapit sa Batanes bukas ng umaga.

 

Read more...