Ayon sa hepe ng Albuera Police na si Chief Insp. Jovie Espenido, isinilbi nila ngayong umaga kay Espinosa ang warrant of arrest na inilabas ng korte kaugnay sa kasong illegal possession of illegal firearms na kinakaharap ng alkalde.
Sinabi ni Espenido na dalawang arrest warrant ang hiniling nila sa korte, una ay para sa kasong illegal possession of firearms at ang isa pa ay hinggil sa possession of illegal drugs.
Naisailalim na rin sa booking process si Espinosa kabilang ang pagkuha ng mug shots at finger prints.
Hinihintay na lamang ang commitment order mula sa korte upang maikulong ng tuluyan si Espinosa.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa anak ng alkalde na si Kerwin Espinosa na nahaharap din sa parehong kaso.