Ayon sa Sandigabayan Fifth Division, itinakda na lamang muli ang arraignment sa tatlo sa Oct. 20 dahil may nakabinbin pang mosyon na hindi pa nareresolba,
Unang itinakda ang arraignment noong August 15, na naipagpaliban para sana araw na ito, October 5.
Ang magkapatid na Gatchalian, si Pichay at 23 iba pa ay nahaharap sa tatlong bilang ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, tatlong bilang ng kasong Malversation of Public Funds at paglabag sa Republic Act 8791 o General Banking Law of 2000 dahil sa pagbili ng LWUA na pinamumunuan noon ni Pichay sa Express Savings Bank Inc. (ESBI) sa halagang P80.003 million.
Ang ESBI ay local bank sa Laguna at kasama sa nagmamay-ari nito ang WELLEX Group Inc. (WGI) ng pamilya Gatchalian.
Ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman, may legal opinion na noong inilibas ang Office of the Government Corporate Counsel na dapat rebisahin ang gagawing pagbili sa bangko at dapat aprubahan muna ito ng Office of the President salig sa banking laws ang regulations, pero itinuloy pa rin ng LWUA ang pagbabayad at pag-acquire sa nasabing bangko.