Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde, isinasailalim din ngayon sa evaluation at monitoring ng NCRPO ang animnapu’t pitong mga pulis sa Metro Manila na sangkot sa katiwalian at ilegal na droga.
Paliwanag ni Albayalde, sa animnapu’t pito, anim sa mga ito ay hinihintay na lamang na mailabas ang kaukulang reassignment papers patungo sa rehiyon ng Mindanao.
Sa ngayon, mayroon ng mahigit 150 mga pulis ng NCRPO ang naipatapon na sa Mindanao na karamihan ay mga ninja cop o mga pulis na sangkot sa pagri-recycle ng iligal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES