‘Obama, go to hell; EU, purgatoryo na lang’ – Duterte

 

“Mas mabuti pa magluhod ako sa mga king of Brunei o Thailand. Huwag mo ako paluhurin sa Amerika.”

Kabilang ito sa mga panibagong banat na binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika at kay US President Barack Obama.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagbatikos naman ng Amerika sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sinabihan pa ni Duterte si Obama ng “you can go to hell,” habang iminungkahi naman niya sa European Union (EU) na sa purgatoryo na lamang pumunta dahil puno na ang impyerno.

Ayon pa sa pangulo, hindi siya natatakot sa mga bumabatikos sa kaniya partikular na kay Obama at sa European Union.

“Mr Obama, you can go to hell. EU, better choose purgatory. Puno na ang impiyerno. Bakit ako matakot sa inyo?” ani pangulo.

Naglabas rin ng pagkadismaya ang pangulo sa Amerika dahil sa halip na tulungan ang bansa sa problema sa iligal na droga ay sinesermonan pa siya nito sa harap ng international community.

Read more...