Sa kaniyang pagdalo sa Masskara Festival sa Bacolod City, sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng conduct pass si Misuari para makatungo siya sa Davao City kung saan sila mag-uusap.
Magugunitang sa simula pa lang ng kaniyang panunungkulan, nagpahayag na ang pangulo ng pagnanais na makipag-pulong kay Misuari ngunit hindi pa rin ito natutuloy dahil nagtatago pa rin ito.
Inatasan na rin ng pangulo ang pulisya na huwag munang ipatupad ang arrest warrant laban kay Misuari dahil sa pagkakasangkot nito sa Zamboanga siege noong 2013.
Paliwanag ng pangulo, iniiwasan lang niya na mapatay si Misuari sa kamay ng gobyerno, dahil aniya ito lamang ang pinunong may “influence and structure” na kailangan sa usaping pangkapayapaan.