Ang naturang isyu ang naging puno’t-dulo ng mainitang pagtatalo ng mga senador kahapon na nagresulta sa pag-walk out ni De Lima at pag-suspinde ng Senado sa pagdinig ng komite sa usapin ng extrajudicial killings sa bansa.
Una pa rito, inakusahan ni Senador Richard Gordon, chairman ng komite si De Lima ng ‘material concealment’ dahil hindi nito isiniwalat ang kidnapping case ni Matobato kaugnay sa pagdukot sa isa umanong terorista na si Sali Makdum.
Giit naman ni De Lima, wala namang dapat na isiwalat dahil mismong si Matobato na ang nagsabi nito sa kasagsagan ng pagdinig noon pa.
Bilang patunay aniya, makikita sa page 166 ng transcript ng pagdinig noong September 15 na mismong si Matobato ang nagbanggit sa naturang impormasyon.
Gayunman, hindi naging sapat ang dahilan ni De Lima para sa mga miyembro ng komite hanggang sa tuluyan itong mag-walk out sa pagdinig.