Mismong si Pope Francis ang nag-anunsyo na “almost certainly” siyang bibisita sa India at Bangladesh sa susunod na taon.
Isa ito sa mga nabanggit ng Santo Papa na plano niya sa taong 2017,
habang siya ay nasa loob ng papal plane pauwi ng Rome mula sa Caucasus kung saan siya namalagi ng tatlong araw.
Bukod sa pagtungo sa India at Bangladesh, kinumpirma rin ng Santo Papa na dadalo siya sa annual pilgrimage to Fatima sa Portugal sa susunod na taon.
Dahil dito, si Pope Francis ang magiging ikatlong Santo Papa na pupunta sa pilgrimage to Fatima, kasunod nina Benedict XVI noong 2010 at ni John Paul II na tatlong beses na pumunta sa Fatima noong 1982, 1991 at 2000.
Bagaman sinabi ng Santo Papa na tutungo siya sa India at Bangladesh, wala pa naman siyang tinukoy na petsa.