MATINDI ang international backlash kay Pre-sident Duterte lalo’t nabuksan muli ang mga sugat ng holocaust o ang milyun-milyong pagkamatay ng mga Hudyo sa kamay ng mga Nazis ni Adolf Hitler.
Todo naman ang paliwanag ng mga taga-Malacanang na panoorin ang “context” nang si-nabi ng pangulo bago natin husgahan.
Mga paliwanag na masasabi kong pinalubha pa ng mga kapalpakan ng “messaging apparatus” sa Gabinete.
Simple lang naman ang mensahe ng pangulo: Hindi siya mangingiming ubusin ang tatlong milyong pusher at adik sa bansa para lamang isalba ang susunod na henerasyon sa mga krimen.
Hindi raw siya katulad ni Hitler na puro i-nosenteng sibilyan ang pinatay samantalang ang hinahabol niya ay mga kriminal. Ganoon lang naman iyon.
Natural, palalakihin ng oposisyon ang anggulong Hitler para mapalaki lalo ang isyu ng extrajudicial killings na kinakabit sa nagaganap na gera laban sa illegal drugs. Eksaktong-eksakto pa ito sa panahong galit sa kanya ang UN, EU at maging Amerika dahil sa kanyang independent foreign policy.
Siyempre, sasakyan ito ng mga pulitiko na para bang sinasabi na mas tahimik at mabuti pa noong panahon ng “Tuwid na Daan” di gaya ngayon na panay ang patayan, murahan at takutan.
Lahat ng mga argumentong ito ay sinusukat ngayon ng mga simpleng mamamayan kung kanino sila maniniwala. Ngayong halos 100 araw na sa Palasyo si Duterte, marami ang nagbago sa peace and order lamang.
Tumahimik ang mga nagkalat na kriminal na nananalasa noong nakaraang administras-yon.
Sa halip na 40 hanggang 50 inosenteng mga biktima ang napapatay araw-araw ng mga holdaper, kidnapper, rapist, thrill killers, akyat bahay at mga adik, nga-yon sila na ang tumitimbuwang.
Nakita niyo na ba ang mga kabataang malayang nakakatawag sa “cellphone” habang naglalakad o sakay ng jeepney?
Maraming petty crimes ang biglang nahinto sa ating kamalayan.
Ayon sa PNP statistics, 49 porsiyento ng mga krimen ay bumaba. Isipin niyo ang numerong 700,000 na mga adik at pushers sa buong bansa, 49,000 diyan ay nasa Metro Manila. Saan sila kumukuha ng pambili ng shabu o pansustento sa kanilang bisyo dati? Hindi ba’t sa krimen din?
Tumahimik ang bansa ng walang tulong ng mga matatakaw na senador, kongresista at mga pulitiko. Ganoon lang pala ang paraan para tumahimik ang buhay nating mga mamamayan.
Sa totoo lang, matindi talaga itong problema ng illegal drugs at hindi pwede rito ang mahihinang presidente o lider. Isipin niyo ang mga kasangkot: 11,000 pulis, at 16,000 baranggay officials sa ilegal na droga, hindi pa kasama ang mga police generals, gobernador, mayor, congressmen, judges, prosecutors, mga negosyante at iba pa.
Basta wala kang nila-labag na batas at hindi ka kasangkot sa ilegal na droga walang dapat ikatakot.
At dahil ito’y digmaan, magkakaroon ng collateral damage o mga madadamay na inosente. Pero sa kabuuan, napa-patay din pati ang mga riding in tandem criminals sa Pasig na bumaril sa isang dating OFW, at ang mga suspects sa Parañaque na magta-tapon sana ng sinalvage nilang biktima nang mahuli sa checkpoint.
Paano kung hindi nalantad ang 700,000 drug pusher/addicts na iyan at mga protektor nilang 11,000 pulis at 16,000 baranggay officials? Balik krimen na naman sa susunod na he-nerasyon?
Para sa tanong o komento, i-text ang pa-ngalan, edad lugar at mesahe sa 09163025071