Magkakasunod na nakaranas ng aberya ang tatlong tren ng Metro Rail Transit (MRT) Lunes ng umaga.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang twitter account, unang nakaranas ng aberya ang isang tren sa Magallanes Station northbound alas 8:56 ng umaga.
Pinababa ang mga pasahero at pinasakay sa kasunod na tren, makalipas ang tatlong minuto, agad na naibalik sa normal ang operasyon.
Samantala, alas 9:00 ng umaga, nakaranas din ng aberya ang isang tren ng MRT sa southbound naman ng nasabi ring istasyon sa Magallanes.
Muling napababa ang mga pasahero ng tren at makalipas ang dalawang minuto ay naibalik sa normal ang operayson.
Ang ikatlong aberya ay naganap naman sa Cubao station southbound alas 10:27 ng umaga kung saan pinababa din ang mga pasahero ng nasirang tren.
Train failure lamang ang idinahilan ng DOTr sa aberyang naranasan ng tatlong tren.