Sa abiso ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) unang niyanig ng Magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Sta. Ana sa Cagayan alas 2:34 ng madaling araw.
Ang nasabing pagyanig ay sinundan ng magnitude 4.2 na lindol sa bahagi naman ng Nasugbu, Batangas alas 3:03 ng madaling araw.
Lumindol din sa Occidental Mindoro ganap na alas 4:39 ng umaga at naitala ang magnitude 3 sa bahagi ng bayan ng Lubang.
Magnitude 3 na lindol naman ang yumanig sa Bolinao, Pangasinan alas 5:46 ng umaga.
Ang nasabing mga pagyanig ay nasundan pa dakong alas 6:45 ngayong umaga, kung saan naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng San Isidro, Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic naman ang origin ng limang magkakasunod na lindol at walang naitalang intensities at pinsala./ Dona Dominguez-Cargullo