Isang Pinay ang hinirang bilang kampeon sa ika-pitong season ng singing contest na ‘Vietnam Idol.
Ang ‘Vietnam Idol’ ay hango sa sikat na ‘American Idol’ kung saan naglalaban-laban ang mga mangagaling na mang-aawit mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Nakuha ng 28-anyos na housewife na si Janice Buco o Janice Phuong ang kampeonato matapos nitong talunin ang kanyang mga katunggali sa naturang contest.
Si Buco ang tanging Pinoy na nakapasok sa ‘Vietnam Idol’ at ang tanging foreigner na nanalo dito.
Nakuha ng Pinay singer ang kabuuang 54.25 percent ng boto ng audience at naungusan ang isang mang-aawit mula sa Vietnam sa finals na ginanap sa Ho Chi Minh City.
Dahil sa pagkapanalo, nag-uwi si Janice ng 600 million Vietnames dong o katumbas ng $28,600.
Si Janice ay tubong Bohol, at maybahay ng isang Vietnamese.
Naninirahan ang dalawa sa Hanoi.