Ayon kay British Prime Minister Theresa May, kanilang-sisimulan na ang pag-trigger sa Article 50 ng Lisbon Treaty upang maisakatuparan ang ‘Brexit’ sa 2019.
Ang Article 50 ang nagsasaad na kinakailangang magkaroon ng dalawang taong negotiation process para sa ‘Brexit’.
Paliwanag pa ni May, nakatakda silang gumawa ng bagong batas na ihahain sa British Parliament na naglalayong ma-repeal ang naunang batas na nabuo noong 1972 na nagpasok sa Britain sa European Union.
Tatawaging ‘Great Repeal Act’ ang naturang batas na iaanunsyo sa nalalapit na Queen’s speech sa opisyal na pagbubukas ng parliament.
Sa oras na maisabatas, mababalewala na ang lahat ng European laws sa mga British Courts na maghuhudyat upang maging isang ‘sovereign country’ muli ang Britanya.
Gayunman, pagbobotohan pa ang naturang panukala ng mga miyembro ng House of Commons at House of Lords.