Ateneo Blue Eagles, nag-itim sa UAAP 79

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Bilang pagpapakita ng suporta sa panawagan, nagsuot ng itim ng damit ang mga manlalaro ng Ateneo De Manila University bago ang kanilang laban kontra sa La Salle sa pagpapatuloy ng UAAP season 79.

Matatandaang una nang nagpalabas ng kalatas si Ateneo University President Jose Villarin noong Byernes na humihiling sa mga manonood at mga manlalaro na magsuot ng itim bilang pakikiisa sa pagkontra sa mga extrajudicial killings sa bansa.

Ito rin ay pagkontra sa nakaambang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kasagsagan ng laro, may ilang mga manonood ang kapansin-pansin na nakasuot ng itim sa bleachers bagama’t may marami pa rin ang nagsupot ng berde o asul na kulay ng dalawang unibersidad.

Isa sa mga personalidad na nakitang nakaitim at nanonood ng game 7 sa pagitan ng La Salle at Ateneo ay si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Read more...