First round sweep nakuha ng La Salle

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Tinalo ng La Salle Green Archers ang kanilang karibal na Ateneo Blue Eagles sa game 7 ng UAAP Season 79 upang ma-sweep ang pitong laro sa first round ng torneo.

Kahit wala sina coach Aldin Ayo at star player Jeron Teng, tinapos ng Green Archers ang game 7 sa score na 97-81 sa larong ginanap sa Mall of Asia Arena.

Absent si coach Ayo mataposmasuspinde ng isang game samantalang sumalang naman sa operasyon sap aa si Teng.

Pumuntos si Ben Mbala ng 28 points, 13 reboudns, limang steal at isang block sa kabuuan ng laro.

Dahil dito, nanguna ang Archers sa score na 7-0 sa unang round ng UAAP.

4-3 naman ang standing ng Ateneo matapos ang pagkatalo sa La Salle.

Read more...