PNP Chief Bato Dela Rosa, magbibitiw sa pwesto kapag hindi nagtagumpay ang kampanya kontra iligal na droga

bato-dela-rosa1-620x413Handa si Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na magbitiw sa kanyang puwesto kapag nabigo ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ginawa ni PNP Chief Dela Rosa ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Ilocos Norte provincial office.

Binisita rin ni Dela Rosa ang mga police office sa Isabela at Cagayan bago tumungo sa Ilocos Norte.

Sa kanyang pagbisita, hinimok ni Dela Rosa ang mga provincial police command na seryosohin ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon labansa iligal na droga at kriminalidad.

Sakaling hindi maging matagumpay ang nagpapatuloy na anti-illegal drugs campaign sa bansa, handa si Dela Rosa na magbitiw bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Bukod dito, muling nagbabala ang PNP Chief sa mga scalawags na mas maiging mag-resign na kung mayroon silang koneksyon sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Binanggit din ni Dela Rosa na mayroon mga police official sa Ilocos Norte na kabilang sa ‘narco-list’ ni Pangulong Rodrigo.

Read more...