Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,005 kilometers east ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 185 kph.
Patuloy na tatahakin ng bagyong Igme ang direksyong northwest sa bilis na 25 kph.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na hindi magla-landfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahan naman na lalabas na ng PAR ang bagyo sa Martes ng umaga.
Una nang nag-abiso ang PAGASA na patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ngayong weekend sa ilang bahagi ng Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Metro Manila dahil sa habagat na hinihila ng bagyong Igme.