4 na high-profile inmates na sangkot sa Building 14 riot, inilipat na sa headquarters ng PNP

New-Bilibid-PrisonInilipat ang apat na high-profile inmates na sangkot sa riot sa Building 14 ng New Bilibid Prison sa headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Ayon kay Bureau of Corrections chief Rolando Asuncion, kasama sa mga inilipat sa PNP national headquarters sina dating Chief Insp. Clarence Dongail, Tomas Doniña, Edgar Cinco at Ruben Tiu.

Kaninang 8:30 ng umaga nang umalis sa NBP compound ang convoy na maglilipat sa mga high-profile inmates sa Camp Crame.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ang apat n inmates ay ililipat sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group habang isinasagawa ang imbestigasyon hinggil sa stabbing incident sa Bilibid.

Sinabi naman ni Asuncion na hiniling ng CIDG ang paglilipat sa apat na inmates sa Camp Crame.

Nasawi sa riot ang convicted drug lord na si Tony Co habang sugatan naman sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy.

Read more...