Tatlo pang Indonesians na bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya sa Sulu

sulu mapTatlong iba pang Indonesians na bihag ng Abu Sayyaf Group sa Sulu ang napalaya ngayong araw.

Kasunod nito, nai-turn over na rin ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari ang tatlong napalayang Indonesians kay Sulu Governor Totoh Tan.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, personal siyang tinawagan ni Misuari upang ipaalam ang panibagong tagumpay sa pagsisikap ng pamahalaan na mailigtas ang mga binihag ng ASG.

“Three (3) more Indonesians held hostage in Sulu were turned over by MNLF Chairman Nur Misuari to Sulu Gov Totoh Tan before noon today. Chairman Misuari personally called me and informed me about another breakthrough in the efforts to recover hostages held by the Abu Sayyaf Group” pahayag ni Dureza.

Nakipag-ugnayan aniya siya kay Joint Task Force Sulu commander Gen. Arnel Dela Vega para pangunahan ang maayos na turnover.

Kasabay nito, kinumpirma ni Gov. Tan na nasa kustodiya na niya ang tatlong Indonesians at itu-turn over niya ito sa Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Gen. Dela Vega.

“I coordinated with Gen de la Vega, of Task Force Sulu to facilitate smooth turnover. In the same phone call, Gov Tan confirmed that he had physical custody of the 3 Indonesians and he will in turn turnover their custody to the local AFP headed by Gen dela Vega.” dagdag pa ni Dureza.

Sinabi rin ni Dureza na hiniling ni Misuari sa kanya na ipaalam ang magandang balita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakilala ang napalayang Indonesians na sina Edi Suryono, Ferry Arifin at Muhamad Mabrur Dahri.

Read more...