Panibagong oil price increase, nakaamba

gasInaasahang magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Batay sa oil industry, aabot sa 50 centavos ang itataas sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Noong nakaraang Sabado, nagpatupad din ng taas presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG.

Ang naturang oil price increase ay bunsod pa rin ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Read more...