Ito ay matapos ipag-utos ng Samsung ang worldwide recall ng bagong mobile phone unit noong nakaraang buwan dahil sa ulat na nasusunog umano ito habang naka-charge.
Ngunit sa kabila nito, hindi magpapatupad ng refund ang Samsung Philippines para sa naturang mobile phone unit na nagkakahalaga ng halos P40,000.
Sa halip, papalitan nila ng panibago ang mga depektibong smartphones.
Pero sinabi ng Samsung na hangga’t walang pang available na replacement units, maaaring gamitin ang isang automatic software update kung saan hanggang sa 60 percent lamang ang pagcha-charge sa naturang mobile phone unit.
Matatandaang ipinagbawal ang paggamit ng Samsung Galaxy Note 7 sa lahat ng flights ng Cebu Pacific, Philippine Airlines at Air Asia dahil sa posibleng aberyang idudulot nito.
Noong isang linggo naman, isang babae mula sa Antipolo ang nagreklamo na umusok at nag-overheat ang kanyang Samsung Galaxy S7 Edge.
Hindi kasama ang naturang mobile phone unit sa pina-recall ng Samsung.