Susunod na tututukan ang usapin kaugnay sa Land Reform and national industrialization para sa ikalawang peace negoitations ng gobyerno sa Oslo, Norway ngayong Oktubre.
Kinumpirma ito ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang text message sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Paliwanag ni Sison, kakailanganin ang land reform upang mapalaganap ang lupain para sa masaganang ani, mga materyales at pagtatayo ng broad market para sa industrial and agricultural products.
Para naman sa national industrialization, kakailanganin aniya ng mga makina at iba pang kagamitan pang-agrikultura at makapagdagdag ng trabaho sa nasabing sektor.
Inilarawan naman ni Sison bilang “fake and complete failure” ang dating land reform program kung saan nahirapan ang mga magsasaka na makapagbayad sa high redistribution price na pinagkasunduan ng mga landlord at gobyerno noon.
Pagtatanggol pa ni Sison, dapat maipagkaloob sa mga nagtatrabahong magsasaka ang mga lupain na inaangkin ng malalaking landlord at foreign corporations.
Nakatakda ang pagpapatuloy ng ikawalang pagpupulong ng formal talks ng peace panels ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa darating na October 8 hanggang 12, 2016, sa Norway.