Malimono, Surigao del Norte niyanig ng 4.3 magnitude na lindol

Malimono
Photo from Phivolcs

Niyanig ng magnitude 4.3 magnitude na lindol ang bayan ng Malimono sa Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 9 kilometers North ng Malimono kaninang 6:22 ng umaga.

May lalim na 15 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ang intensity 4 sa Surigao City, Surigao del Norte.

Wala namang inaasahang pinsala na maidudulot ang nasabing lindol.

Read more...