Meralco, tinalo ang Talk N’ Text

pba.inquirer.net file photo

Tinalo ng Meralco Bolts ang Talk N Text sa iskor na 119-113 sa Game 3 2016 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Isang panalo na lang ang kailangan ng koponan para umabante sa finals kung saan gaganapin sa Lunes ang Game 4 ng kanilang serye.

Ayon kay Meralco head coach Norman Black na lahat ay nagtulong-tulong para manalo sa laro.

Dagdag pa ni Black na siya ay proud na proud sa kanyang mga palyers dahil isang crucial win ang naturang laban.

Pinangunahan ni Hugnatan ang koponan na nagtala ng 21 points.

Nagtala ang Meralco ng franchise record ng pinakamaraming 3-pointers sa isang laro.

 

Read more...