Pre-nuptial photos nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo, inilabas

bandera.inquirer.net file photo

Inilabas ang prenuptial photos ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo, dalawang buwan bago ang inaasahan na kasal nila sa December.

Ang mga nasabing litrato ay dinirek ng Nice Print Photography kung saan makikita ang dalawa na sweet sa isa’t-isa sa El Kabayo Stables sa loob ng Subic Freeport Zone

Hindi pa rin ibinubunyag ang eksakto g petsa ng kasali nina Abad at Castillo.

Sa mga naging nakaraang mga panayam kay Abad ay kanyang ibinihagi ang kanyang excitement sa kasal sa kanyang best friend.

Ayon kay Abad ay noon kanya pang hinahanap ng date si Castillo pero wala ring nag-work sa mga iyon.

Matatandaang na nag-proposed ng kasal si Castillo kay Abad noong May 17 kung saan kanyang sinurpresa ito sa gitna ng party na kanyang binuo para kay Abad sa Alabang.

Read more...