Kinilala ng pulisya ang mga napatay na mga suspek na sina Edmund Morales, Jomar Danao Mariano at Ernesto Francisco na kabilang din sa pangho-holdap at pagnanakaw.
Ayon sa mga otoridad napatay ang tatlong suspek sa shootout na naganap Gate 56 at Parola Compound.
Pinadala ang ilang miyembro ng Manila Police District Station 11 sa Parola Compound sa Tondo para sugpuin ang illegal drug activities sa lugar na sinasabing nasa ilalim ng operasyon ng Commando Gang.
Matatandaan na ang lider ng naturang gang na si Jaybee Sebastian ay malubhang nasaktan matapos ang insidente ng pananaksak sa Building 14 ng New Bilibid Prison kung saan nakakulong ang mga high-profile inmates.
Narekober ng pulisya mula sa mga biktima ang tatlong .38 revolvers at drug paraphernalia.