Mahigit 100 pulis, dineploy sa Mindano

newsinfo.inquirer.net file photo

Higit sa 100 mga pulis mula sa Metro Manila ang na re-assigned sa ibat-ibang lugar sa Mindanao bilang parusa sa naging iba’t ibang offense partikular na sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni Chief Superintendent Oscar Albayalde, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi baba sa 60 pang mga pulis ang naka-assign sa ibat-ibang parte ng Metro Manila ang minimonitor o inaakusahan na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ayon kay Albayalde, isa sa mga ito ay inaakusahan ng pangingikil ng aabot sa 300, 000 pesos mula sa kamag-anak ng isang suspected drug pusher na naaresto sa isa sa mga isinagawang police operations.

Unang sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa na nasa 108 na mga pulis mula sa Metro Manila ang nai-deploy na sa Mindanao.

Ibinunyag din ni Dela Rosa na isa sa mga ito ay napatay sa ambush sa Maguindanao.

Iniimbestigahan na din ng PNP ang mga ulat na ilang sa pulis na-assigned sa Mindanao na nag-AWOL o Absence Without Official Leave.

Read more...