Estudyante, patay matapos masagasaan sa Quezon

newsinfo.inquirer.net file photo

Patay ang isang high school student matapos masangkot sa isang vehicular accident sa Quirino highway sa bayan ng Tagkawayan sa Quezon Province noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Crishaliz Joy Almarez, 15 taong gulang.

Ayon sa report mula sa Quezon police headquarter tumatawid ng highway si Alamrez sa Barangay San Isidro nang ito ay mabangga ng kotseng minamaneho ni Agusto Ocampo Jr.

Namatay si Almarez habang dinadala ito sa Tagkawayan District Hospital.

Agad namang tumakas ang suspek na si Ocampo pagkatapos ng naturang aksidente pero kalaunan ay sumuko din sa  police stationmalapit sa bayan ng Lopez.

Read more...