Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang hilang parte ng Pakistan ayon sa otoridad ng naturang bansa.
Kasalukuyang wala pang ulat ng pinsala sa mga istruktura sa lugar o maging namatay o nasugatan sa insidente.
Ayon kay Zahid Rafi, director ng Pakistan’s Meteorological Department, ang epicenter ng lindol ay naitala sa Patan, nasa 300 kilometro hilaga ng Islamabad, kabisera ng bansa.
Ang lindol na tumama sa lugar ay may lalim na aabot sa 12 kilometro.
Dagdag ni Rafi, ang nasabing lugar ay isang mountainous region at nasa fault-line at karaniwang nakakaranas ng mahihinang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES