Ayon kay US Department of State Deputy Spokesman Mark Toner, na nanatiling matibay ang people-to-people, military at economic ties ng dalawang bansa.
Dagdag ni Toner na ang relasyong US sa Pilipinas ay nakabase sa mutual foundation ng shared values kung saan kasama ang paniniwala sa dignidad at karapatang pantao.
Nang tanungin si Toner kung hanggang kalian hahayaan ng State Department si Duterte sa mga nagiging pahayag nito ay sinabi lang ni Toner na ang US ay patuloy na nakikipagtulungan sa Pilipinas sa ibat-ibang isyu.
Sinabi din ni Toner na hindi dinidiktahan ng US ang Pilipinas kung kaninong bansa ito makikipag-ugnayan dahil ang tangi lang nilang inaalala ay ang pagpapanatili ng matibay na relasyon ng dalawang bansa.